ni Marianne Lucila, Grade 6
Marami kami nakitang mababait na mga bata at dalawang mababait na mga Ate sa bahay ampunan. Sila ang taga-alaga ng mga ulilang bata. Sumaya ang mga baby noong dumating kami. Nakipaglaro kami sa kanila. Maraming makukulay na mga laruan and naroon. Sa kabilang kwarto mayroong dalawang baby na parehas silang masayahin. Yung isa ay mataba at bilog na bilog and ulo. Magkasing edad lang ang dalawang baby. Mataba ang dalawang baby at masayahin and lahat ng toddlers. Bago kami pumasok, sinabi ni Mr. Go ang istorya ng mga ulilang bata at kung paano nila napulot at nakuha ang mga bata. Nakakalungkot ang istorya nila dahil iniwan pala sila ng kanilang mga nalilitong mga magulang–marami sa kanila ay naiwan o iniwan. Marami sa kanila ang aampunin ng iba at nakakabuti yun kailangan nila ng pagmamahal at pag aaruga. Pupunta na sa iba’t ibang bansa and mga bata. Maganda pumunta sa bahay-ampunan. Sana maulit pa yun at marami pa kaming mga batang mapasaya.